Thursday, August 27, 2009
Dahon
Sa paghila ng lupa, humiwalay ang iyong lakas,
Kasabay ng pagkaputol, Ng iyong pagkahawak,
Sa punong bumuhay sa iyo -- ang panahon.
Sa hagupit ng hangin, Sa iyo ay humamon,
Ang lindol -- umaalon, Ngunit di ka nabuwal.
Pinatibay ng oras -- dimensyon.
Balat mo'y pinatigang, Ng init...
Mga dahong ginto, sa ilalim ng nagbabagang
Lupa...
Sa iyo bumuhay ang kasipagan,
Pagkakataon... Binuo ng alabok,
Ugat mo'y may hangganan,
Isa ka rin nilalang... na may paglisan.
At ngayon sa pagbuka ng lupa,
Iyong paalam...
Tatag sa pag-usbong ng panibagong puno,
Na may dahon,
Tulad mo'y, pagdating ng panahon,
Hahamunin at hahamon.
Ako -- bunga ng iyong henerasyon.
Katulad ng mga ibon,
Laging lilingon, kung
Saan nanggaling at saan dadamhin,
Siyang nagturo sa akin,
Na ang buhay ay dahon,
Humihiwalay sa puno,
Sa paghila ng lupa,
Sa muling paghamon --
Sa paglisan ng dahon --
Katahimikang panghabang- panahon.
1 Response to "Dahon"
Wow, ang galing mo blog ong!
Leave A Reply