Wednesday, August 26, 2009
Bayag na Inutil
Posted on 7:45 AM by NEIL LORD V. GUITANG
HUMUPA NA ANG usok ng digmaan at ang bayan mo ay lumaya.
Natamo mo ang lahat ng karapatan, kahalalan, at kalayaan maging Pilipino.
Isinalin sa iyo ng iyong mga ninuno ang tungkuling yakapin at ipagtanggol ang iyong lahi.
Nabigyan ka ng pagkakataon sa gilid ng bughaw mong karagatan, at sa ibabaw nito, sa tugatog ng mayaman mong mga pulo at sa kasaganaan ng iyong kapatagan... upang magsanay. Upang linangin ang katapangan at kasipagang dumadaloy sa iyong mga ugat. Upang buhayin ang mayaman mong pag-iisip at paghusayan ang kakayahang ipinamana sa iyo.
Upang mapangalagaan ang busilak na balon ng kapayapaan na ipinagkatiwala sa iyo ng dakila mong bayan. At upang patapangin ang pulang dugong dumadaloy sa bawat mong pangarap. Itinurok tanda upang ipagmalaki ka ng iyong lahi... sa iyong muling pagbangon...KABATAANG PINOY.
Ni buhok ni Gat Jose Rizal, o ni Luna, o ni Mabini ay di na kailanman masasamyo ang katapangan, ngunit ipinaalam sa iyo kung ano ang itong halimuyak.
"Ibinalabal sa iyo ang lakas ng isang kabataan."
Sa iyong mga butong kasing-tigas ng mga marmol sa Romblon ay pumipitik ang dugo ng isang Malaya, laman ng isang maginoo, balat ng isang bayani, at isip ng isang matalinong Pilipino.
Sa bawat patak ng pawis mo ay ginintuang butil sa palayan na bumubuhay sa iyong naghihikahos na bayan.
Tinagurian kang henyo ng bagong henerasyon sapagkat ang buhay sa iyo ay nasasalamin. Hawak mo sa iyong mga kamay ang kinabukasan ng iyong lahi.
"At ang buhay ng bayan mo ay sa iyo nakasalalay. Sapagkat isa kang mabuting bahagi ng lupang tugatog ng karangalan."
Ngunit habang tinatahak mo ito ay sumisidhi ang galit na naguumapaw sa bagabag mong diwa.
"Sapagkat ang mga ito ay HINDI TOTOO. Sapagkat ito ay HINDI IKAW."
Sapagkat hanggang ngayon ay wala ka pa ring nagagawang makasaysayan para sa iyong bayan. Sapagkat hanggang ngayon itinatakwil ka ng iyong lahi... at ng iyong bayang tinubuan.
At kung meron mang dapat bitayin ay hindi lamang si Echegaray, kundi pati IKAW! Taksil!!!
Kung buhay pa si Dr. Jose Rizal ngayon ay isusumpa ka at magnanais na mamatay ng paulit-ulit upang mabuhay ka lamang at matauhan. At si Bonifacio na bagamat di kasing mangmang mo ay magnanais na hasahin ang kanyang dahas upang tigpasin ang ulo mong pinuno ng tubig.
At si Mabini ay magnanais na habang-buhay na malumpo upang pilitin kang magpasan at magpagal sa kabayanihan ng iyong bayan.
Mariwasa mong nagagawa nagagawa ang bawat naisin.
"Sapagkat ang sabi mo ay malaya ka."
Nagpapakalunod ka sa usok na dulot ng iyong bawat layaw. Maporma ka at yan lang ang alam mong gawin.
Ang magbihis at maligo sa pabango mong amoy katol.
Sa katawan mo bumabalot ang maburarang telang tanda ng maaksaya mong pamumuhay at pamosong katampalasanan. Ngayon nagdurusa ka sa kabag na dulot ng maluwag mong kalayawan.
Dapat kang supilin! Kasuklaman nawa ang lahi mo!
Wari'y isa kang galis na nagpapahina sa sistema ng iyong bayan.
Pinuno ng likidong kasuklam-suklam ang dulot na amoy na pinatindi ng iyong katamaran.
Nagnanaknak itong kasing kapal ng iyonG mukhang hinubaran ng prinsipyo.
Namamaga itong wari'y wala ng lunas dahil sa iyong kamangmangan. Hindi malaman kung paano malalabanan ang kating dulot ng iyong pagpapabaya...at karumihan.
Ipokrito! Mapagkunwari ka!
Nagpapanggap kang isang banal na aso at santong kabayo sa paningin ng iyong kapwa.
"Ngunit isa ka namang uod!"
Nagpapahirap sa uugod-ugod mo ng mga magulang. Sapagkat ginagamit mo pa rin ang kamay ng iyong ina sa pagsubo ng iyong pagkain.
Sabi mo mag-aasawa ka na ngunit hanggang ngayon ina mo pa rin ang naghuhugas ng ari mo.
Nakakapit ka pa rin sa bayag ng iyong ama. Kahit ngayon ay maitim na rin ang bayag mo.
Duwag!
Malapit ka ng mabulag sa kapal ng mutang bumabalot sa liko mong paningin. Sapagkat pilit kang nagmumukmok sa kuwadrong pinamumugaran ng mga inalagaan mong ipis at salinlahi ng daga.
Ang tunog ng mga bangaw sa likod-bahay ay waring musikang sa iyo ay nagpapatulog.
Batugan!
Kabataan, ni abakada'y hindi mo alam na wari bang ito'y isang bagong bagay.
At nagpapanggap ka sa mundong marami kang nalalaman?
Ni bumilang ng surot sa ilalim ng iyong kama'y hindi mo kayang gawin. At pinapaniwala mo ang daigdig na isa kang dakila?
"Ngunit ang bayag mo'y lihim na umuusli sa tuwing kaharap mo na ang tunay na mundo."
At madalas mong maranasan na nilalapa ka ng kahihiyan at tinutunaw ka ng kakarampot mong nalalaman. Sapagkat ang laman ng utak mo'y puro taba.
Sapagkat masiba ka sa pagkaing hindi ikaw ang bumayo.
"Nilalangaw na ang bunso mong kapatid sa nagngangalit na lansangan."
Ngunit nariyan ka pa ring humuhuthot ng pagtataksil. Lumalapa ng kapwa mo nilalang. At pumupulutan sa alaga mong pusa. Humahalay sa sarili mong ina at kapatid. Tumataga sa balikat ng sarili mong ama na bumubuhat ng daigdig...Na sana ikaw ang pumapasan.
Inutil!!!
"At ngayon sisisihin mo ang bayan sa pagkawala ng iyong bayag?"
Ngayong wala ka ng makain? At ngayong nagdurusa ka sa masangsang na selda?
Madalas mong ipagmalaki na ikaw ang lumalang sa iyong sarili ngunit madalas kang mapipi sa bawat katanungang ano na ang nagawa mong mabuti at karapat-dapat?
Mayabang ka at madali mong nalimot ang kulturang kalaro mo sa putik noong isa ka pa lamang musmos. Bagkus ipinagkanulo mo ito gamit ang baluktot mong pangangatwiran at pagsasanaysay.
Lumaki kang grasa ang iyong kaulayaw.
Hanggang ngayon, hindi mo pa rin nauunawaang bahagi ka ng isang malaking layunin...ang maging buhay at itanyag ang iyong lahi...
Naghuhusga akong may paninindigan na walang anomang bahid ng talinghaga.
Sapagkat nalalaman kong ito ay totoo at pawang katotohanan.
"Dinggin mo ang palahaw na umaalingawngaw dulot nitong sanaysay at hayaan mong usigin ka ng iyong sarili."
At hayaan mong yakapin ka ng lupa sa panghihinang dulot nito. Magbalik ka sa pinaggalingan mo at ilibing ang iyong sarili.
Ngunit manatili kang buhay.
Sapagkat ayaw kong makitang muling kumulubot ang bayag mo at bumuo ng isa na namang pagkakamali.
Hindi malinaw at payapa ang tubig sa lawa kapag patuloy mong hahayaang pumatak ang iyong luhang puno ng pagkukunwari.
Ngayon ang pagkakataon upang tumigil ka sandali at haplusin ang itim mong bayag at pag-isipang mabuti ang iyong sarili.
Gusto kong makitang masigla ka at ipinagmamalaki ng iyong bayan.
"Ako ang iyong anino at salita. Ang salita'y ako at ako'y ikaw. Ako ang siyang umaalingawngaw sa diwa mo. Akong siyang bumuhay sa iyo. Ako na iyong bayan."
Kabataan, ang dungis mo...MAGBIHIS KA!

"Marahil yan ang tunay ang nararapat sa iyo. "
Sapagkat inilalayo mo ang iyong sarili at ipinagkakait ang kakayahang sa iyo ay inaasahan ng lipunan.
Marapat ka lamang limutin ng bayan mo sapagkat nilimot mo rin ang siyang nag-alaga sa iyo.
Ikinahihiya mong maging Pilipino sapagkat ginawa mong kahiya-hiya ang iyong sarili.
Makapal na ang balat ng iyong bayag ngunit hindi kasing nipis ng paninindigan mo.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No Response to "Bayag na Inutil"
Leave A Reply