Thursday, August 27, 2009
Seventy Five (75)
Umaalulong ang bilanggo mong pawis,
Na pinasidhi ng immortal na buwan,
Kaulayaw ng gabing nagbabaga,
Sa lamig na dala ng wari'y kamangmangan,
At ito'y hudyat ng unti-unti mong pagkabaliw,
Sapagkat muling isisilang ang umaga,
At nais mo ng magpahinga at pumanaw,
Sapagkat bukas na ang maaaring katapusan,
Ngunit ang uyaw ay muling narinig,
Sa labi ng gurong bangungot,
At ngayo'y tinatawanan ka na ng araw,
Humahalaklak sa iyong bintana,
Sapagkat, O nais mong pagsanayan,
Ang bawat kasagutan...
Bagamat wala ka pang pahinga,
walang kapaguran...
Ngunit sila'y di naniniwala na ikaw nama'y
Nag-aaral...
Ito'y walang makaunawa...
Ito'y di maunawaan ng sinuman...
Kundi ako, Kundi ikaw...
Magkakaramay isang pamilya,
Isang barangay.
Palakol na karangalan...PASADO!
Bukas...
Isang tagay!
Isang pagdiriwang!
No Response to "Seventy Five (75)"
Leave A Reply