Ang buhay parang ikaw,
Saan ka man iumpog,
Sarap pa rin, sa iyo ay lalabas.
Budburan ka man ng hirap,
Ang buhay sa iyo,
Di malalasap ang alat.
Sa bawat paghigop,
Ng katas ng mong mainit,
Dugo'y lumalakas ang daloy
Sa bawat ugat.
Ngunit dahil sa iyo, isang buhay ang ipinagkait.
Ngunit sa iyo, sarap ng buhay
Ay nalasap.
Ngunit ika'y parang pagtataksil.
Mapanukso ang dala mong sarap.
Dahil sa iyo, nakakalimutan ang lahat,
Isinasabay sa bawat pagtagay
Ng immortal na alak.
Kung bakit kung anong bawal,
Siya pa ang masarap.
Ngunit anuman ang gawin,
Pagkatapos ng lahat.
Ang lansa na dala mo'y nanunuot,
Anuman ang gawing paghugas.
Oo, buhay ka kung tawagin,
Bukal ng lakas ka kung ituring,
Ngunit, minsa'y tulad ka rin ng pagtataksil,
Malansa, anuman ang gawin,
Ikaw na kung tawagin ay...BALOT.
Saan ka man iumpog,
Sarap pa rin, sa iyo ay lalabas.
Budburan ka man ng hirap,
Ang buhay sa iyo,
Di malalasap ang alat.
Sa bawat paghigop,
Ng katas ng mong mainit,
Dugo'y lumalakas ang daloy
Sa bawat ugat.
Ngunit dahil sa iyo, isang buhay ang ipinagkait.
Ngunit sa iyo, sarap ng buhay
Ay nalasap.
Ngunit ika'y parang pagtataksil.
Mapanukso ang dala mong sarap.
Dahil sa iyo, nakakalimutan ang lahat,
Isinasabay sa bawat pagtagay
Ng immortal na alak.
Kung bakit kung anong bawal,
Siya pa ang masarap.
Ngunit anuman ang gawin,
Pagkatapos ng lahat.
Ang lansa na dala mo'y nanunuot,
Anuman ang gawing paghugas.
Oo, buhay ka kung tawagin,
Bukal ng lakas ka kung ituring,
Ngunit, minsa'y tulad ka rin ng pagtataksil,
Malansa, anuman ang gawin,
Ikaw na kung tawagin ay...BALOT.